^

Metro

MMDA, DILG sanib-pwersa vs illegal parking, illegal vendors

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakipagsanib pwersa ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)  sa Department of Interior and Local Government (DILG) para kastiguhin sa pamamagitan nang pagpapataw ng suspensyon ang mga barangay official na kumukun­sinti  para payagang mag-illegal parking at illegal vendor sa kanilang nasasakupan.

Ang hakbangin ng MMDA ay kaugnay sa na­ging mahigpit na direktiba sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Upang bigyan ng pangil ang ipinatutupad nilang clearing operation kontra sa anumang uri ng nakakaabala o  sagabal  sa daloy ng trapiko, ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim,  nagkaisa at nagsanib pwersa sila ng DILG at Metro mayors para sa pagpapatupad ng naturang patakaran.

Kung saan lumagda sila ng isang Memorandum of Agreement (MOA) upang tiyakin ng mga barangay opisyal ang kanilang tungkulin para sa pagmamantina at paglilinis ng mga kalye na kanilang nasasakupan.

“The MMDA together with the LGUs will seriously clear obstructions that aggravate our perennial traffic situation,” ani  Lim.

Ayon kay Lim, irerekomenda nila ang pagsuspendi sa mga barangay opisyal na hindi nakikiisa sa kampanya kontra traffic obstruction. Kasabay nang pagsampa ng kaso sa Office of the Ombudsman.

Sa kabila na mahigpit na pagpapatupad ng MMDA ng clearing operation kontra traffic obs­truction, marami pa ring mga barangay leaders na patuloy na kinukunsinti ang illegal parking at  illegal sa kanilang nasasakupan. Matatandaan, na pitong barangay chairman sa lungsod Quezon  ang sinampahan ng kaso ng MMDA sa Office of the Ombudsman dahil sa patuloy na namamayagpag sa kanilang nasasakupan ang illegal parking at illegal vendors.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with