^

Metro

Rali sa SONA, naging payapa-PNP

Pilipino Star Ngayon
 Rali sa SONA, naging payapa-PNP

Hindi nagpahuli na nagsagawa rin ng rali bilang suporta sa isinagawang ikalawang SONA ng Pangulo ang mga pro-Digong kahapon, habang ang may isang libong sapatos at tsinelas na ikinalat naman ng mga anti-Digong groups na umano’y sumisimbulo sa mga nasawi sa anti-drug operation ng Duterte administration. Mga kuha ni Boy Santos
 

MANILA, Philippines -  Payapa ang isinagawang mga kilos protesta    ng mga militanteng grupo na sumabay sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Batasan Pambansa sa Quezon City kahapon.

Sa pagtaya ng pulisya, naging maayos at walang naiulat na mga kaguluhan  sa magkabilang panig.

Magkasabay na nagsa­gawa ng rali ang mga anti at mga taga-suporta ni Pa-ngulong Rodrigo Duterte  sa may Batasan Complex sa Quezon City.

Ayon sa mga anti-Digong, bigo umano ang Pangulo na tupdin ang panga­kong socio economic reforms sa hanay ng mga manggagawa sa bansa.

Sa kabilang banda naman ng protesters malapit  sa Batasan Complex ay nandon ang pro-Digong na patuloy namang nagpahayag ng kanilang suporta kay Pangulong Duterte.

Ayon sa Duterte Youth, nailapit ni Digong sa pamahalaan ang maliliit na mamamayan at naipakita sa taumbayan na protektahan ang kanilang kapakanan sa pamamagitan ng pagsugpo sa iba’t ibang uri ng krimen, korapsyon at kampanya kontra droga.

Samantala, umaabot sa 1,000 pares ng mga tsinelas at sapatos ang ikinalat ng mga anti-government protesters sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Quezon City bilang protesta umano sa mga biktima ng extra judicial killings sa giyera kontra droga ng pamahalaan at sa pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.

Ang kilos protesta ay inilunsad ng mga anti-Du­terte.

Sinabi pa ng lider ng gru­po na maaring hindi na sila makapag-martsa sa mga susunod na SONA kung mapapalawig ang martial law sa buong bansa kaya’t dapat na mapigilan ang diktaturya hanggang maaga.

 Sa inisyal na pagtaya ng National Capital Region Police Office (NCRPO), nasa 7,000 anti-Duterte protes-ters sa bahagi ng IBP sa Kalinisan Road habang nasa 3,000 naman ang mga pro-Duterte sa bahagi ng Quezon City Memorial Circle, Brgy. Central, Quezon City; 500 pro-Duterte sa IBP at nasa 1, 400 naman sa may bahagi ng Civil Service sa Batasan Complex.Nasa 6, 300 ang idineploy na mga pulis ng NCRPO, 300 sundalo sa loob ng Batasan  na kabilang sa nasa 1,000 sun-dalong idineploy at standby forces para matiyak ang mapayapang SONA sa taong ito. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with