^

Metro

Brgy. chairman, dinedo sa Caloocan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Brgy. chairman, dinedo sa Caloocan

Sa ulat ng pulisya, nag­lalakad sa may 9th Avenue dakong alas-5:40 ng hapon pauwi ng kanyang bahay si Guevarra buhat sa kanyang trabaho bilang lineman ng PLDT sa Tayuman, Maynila nang lapitan ng gunman at barilin sa likod ng ulo nang malapitan. File

MANILA, Philippines -  Isa na namang barangay chairman sa lungsod ng Caloocan ang pinagbabaril at napatay ng riding-in-tandem, kamakalawa ng hapon.

Hindi na umabot nang buhay sa Manila Central Uni­versity Hospital ang biktimang si Francisco Guevarra, 53, chairman ng Brgy. 106 Gracepark at naninirahan sa 8th Avenue sa natu­rang barangay.

 Blangko pa ang pulisya sa pagkakakilanlan sa mga salarin na sakay ng isang motorsiklo. 

Inilarawan ng mga saksi ang nagmamaneho ng motor na nakasuot ng helmet, pulang t-shirt at short maong pants, habang ang gunman at backride ay nakasuot ng sombrero, berdeng t-shirt at maong na pantalon.

Sa ulat ng pulisya, nag­lalakad sa may 9th Avenue dakong alas-5:40 ng hapon pauwi ng kanyang bahay si Guevarra buhat sa kanyang trabaho bilang lineman ng PLDT sa Tayuman, Maynila nang lapitan ng gunman at barilin sa likod ng ulo nang malapitan.

Nang bumagsak si Guevarra, dalawang beses pa siyang binaril ng gunman saka tumakas sakay ng motorsiklo.

Sinabi sa mga imbestigador ni Ronald Guevarra, kapatid ng biktima, na da­ting naisama sa police drug watchlist ang kanyang kapatid ngunit nabura rin maka­raang malinis niya ang kanyang pangalan sa koneksyon sa iligal na droga.

Patuloy ang masusing imbestigasyon ng pulisya sa insidente upang matukoy ang motibo sa pamamaslang na maaari ring may kaugnayan sa kanyang posisyon.  Naghahanap din ang mga pulis ng kopya ng video footage ng mga “closed cir­cuit television camera” sa bisinidad sa pag-asang nahagip ang mga salarin at makilala sila.

Matatandaan na noong Mayo 26, pinaslang naman sa harap ng barangay hall si Brgy. 68 Chairman Jerr­boy Mauricio ng mga hinihinalang bayarang hitman na lulan din ng motorsiklo.  Hindi pa rin nareresolba ang kaso ng pulisya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with