^

Metro

19-anyos na buntis, patay sa gulpi ng ka-live-in

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
19-anyos na buntis, patay sa gulpi ng ka-live-in

Ayon sa hepe ng Muntinlupa City na si Senior Supt. Dante Novicio, ang biktima ay nakilalang si Anna Ce­cilia Galicia, call center agent, ng Northgate Cyber Park, Brgy. Alabang ng naturang siyudad, alas-12:00 kahapon ng madaling-araw nang ma­lagutan ito ng hininga habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan. File

MANILA, Philippines - Isang 19-anyos na apat na buwang buntis ang nasawi matapos gulpihin at iuntog ang ulo sa  pader ng kanyang kinakasama, kahapon sa Mun­tinlupa City.

Ayon sa hepe ng Muntinlupa City na si Senior Supt. Dante Novicio, ang biktima ay nakilalang si Anna Ce­cilia Galicia, call center agent, ng Northgate Cyber Park, Brgy. Alabang ng naturang siyudad, alas-12:00 kahapon ng madaling-araw nang ma­lagutan ito ng hininga habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan.

Samantala, pinaghaha­nap na ngayon ng pulisya ang suspect na si Karl David Asehan, 19, ng naturang lugar.

Nabatid na kahapon ng umaga ini-report sa kanyang tanggapan ang insidente ng mga kaanak ng biktima.

Kung saan tumawag pa ang biktima sa kanyang ina na hindi na pinabanggit ang pa­ngalan ng alas-5:30 kamaka­lawa ng hapon, na sinasabing nag-away sila ng suspect at  nahihilo ito matapos iuntog ang kanyang ulo sa pader.

Nakita na lang umano ng guwardiya sa kanilang con­do­minium ang biktima na wala nang malay, kung kaya’t  agad itong isinugod sa natu­rang ospital.

Sa isinagawang pagsisi­ya­sat, sinasabing masama uma­no ang paki­ram­dam ng biktima kaya nagpasya itong huwag munang pumasok sa trabaho. Gayunman, pinipilit­ umano ito ng suspect na na­galit pa at sinaktan ang ki­na­kasama.

Mabilis naman umanong tumakas ang suspect matapos ang isinagawang pana­nakit sa biktima.

Ayon kay Alex dela Plata, amain ng biktima, posibleng binugbog ang biktima ng kanyang kinakasama dahil sa mga nakitang mga pasa sa katawan, mukha at hita nito.

Patuloy naman ang pagtugis sa suspect.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with