PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Estapador na ginagamit si Digong sa modus, arestado

Ang nadakip na si Lino Espinosa Lim na nagpapakilalang  undersecretary ng isang tanggapan at gumagamit pa kay Pa-ngulong Digong sa kanyang modus matapos ang isinagawang pagdakip sa kanya ng mga tauhan ng NBI. Miguel de Guzman

MANILA, Philippines - Natimbog ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang nagpakilalang negosyante at undersecretary ng isang tanggapan ng pamahalaan, na ginamit pa ang mga larawan kasama sina Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang opisyal ng gobyerno sa modus operan­di ng panloloko ng milyun-mil­yong halaga.

Kinilala ni NBI director Dante Gierran ang suspek na si Lino Espinosa Lim Jr., na diumano’y dating tumakbo sa pagka-alkalde subalit natalo sa lalawigan ng Masbate.

Inaresto ito ng NBI Special Action Unit (SAU) sa pamumuno ni Atty. Joel Tovera,  sa isang coffee shop sa Quezon City nitong Hunyo 16, 2017 sa bisa ng mga warrant of arrest sa kasong estafa sa Mandaluyong at Parañaque City.

Nahimok umano ni Lim ang isang negosyante na naglagak ng P14.5 milyon para sa negosyo, subalit sa huli ay umiiwas ito hanggang sa hindi na makontak. Nanlulumo ang di pinangalanang biktima dahil matagal niyang inipon ang salapi para lamang maloko siya ng suspek.

May tatlo pang negos-yante ang nagharap din ng reklamong estafa laban sa suspek dahil sa investment ilang nasa P10-M.

Nang isuplong sa NBI, isinailalim siya sa surveillance at monitoring at ikinasa ang ilang entrapment operations subalit hindi siya lumutang hanggang sa mamataan sa Cainta, Rizal at binuntutan ng NBI hanggang sa magtungo sa coffee shop kung saan siya binitbit gamit ang arrest warrant.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Gawain umano ni Lim na magpunta sa mga okasyon ng matataas na opisyal ng gobyerno at mag-selfie, tulad ng mga larawan umano kay Duterte at Office of the Soli­citor General Jose Calida na ipinakikita sa mga binibiktima.

Iniimbestigahan din ang isang umano’y undersecre­tary ng Department of Trade and Industry (DTI) na sina­sabing koneksiyon ng suspek.

Nagkataong hawak uma­no ng mga awtoridad ang cell phone ng suspek nang i-speaker phone ito at nang magsalita ang nasa kabilang linya ay tinawag ang suspek na “Usec”. Nang tanungin siya ng NBI kung Usec siya, ay sinabi niya na iaappoint pa lang.

Ipinagmamalaki rin uma­no ng suspek na kakilala niya rin sina Senate President Jojo Pimentel, Justice Secretary Vitaliano Aguirre at Atty. Fred Lim ng PAGCOR.

Isa sa iniaalok na investment umano ng suspek ang pagiging junket operator sa Solaire Hotel at online casino sa PAGCOR.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: