^

Metro

Dahil sa P6-B shabu Valenzuela maghihigpit sa mga pabrika, bodega

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Makaraan ang pagkakatuklas ng tinatayang P6 bilyong halaga ng shabu, maghihigpit na umano ngayon ang pamahalaang lokal ng Valenzuela sa mga pabrika at mga bodega sa lungsod upang makatiyak na pawang mga legal na produkto lamang ang pinoprodyus sa mga ito.

Sinabi ni Mayor Rex Gat­chalian na nagbabalangkas na sila ng mga panuntunan para sa mas mahigpit na pagbabantay sa mga establisimiyento sa lungsod upang masawata ang mga masasamang elemento para gawing imbakan ng iligal na droga ang lungsod.

Nitong nakaraang Biyernes, Mayo 26, natagpuan ang higit 600 kilo ng shabu sa dalawang bodega sa Brgy. Paso de Blas at Brgy. Ugong. Inilagay ang mga iligal na droga sa limang malalaking pabilog na “metal printer rollers” na nagbuhat sa Tsina.  Nakapangalan ito sa isang Fidel Anoche Dee na nag-ooperate ng mga negos­yo sa dalawang barangay.

Pinapurihan naman ni Gatchalian ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Bureau of Customs (BOC), National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) sa pagkakadiskubre sa kanyang lungsod ng naturang malaking halaga ng iligal na droga.

Noong nakaraang 2016, dalawang imbakan at shabu laboratory rin ng iligal na droga ang natuklasan at sinalakay ng mga otoridad sa Valenzuela City.  Enero 12 nang makumpiska ang nasa P180 milyong halaga ng shabu sa Brgy. Lawang Bato kung saan nadakip rin ang dalawang Chinese drug suspect na sina Sonny Ang at Benito Tiuseco.

Hulyo 22, 2016 nang mapaslang rin ng pulisya ang sinabing drug lord na si Meco Tan sa Brgy. Lingunan, Valenzuela at nakakumpiska rin ng malaking halaga ng shabu at ephedrine sa shabu laboratory.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with