^

Metro

CHR hinamon sa napatay na parak sa Quiapo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
CHR hinamon sa napatay na parak sa Quiapo

Nagbigay ng huling paggalang kay SPO2 Randy Marlon Lebrilla ang kanyang mga kaibigan at kasamahan sa trabaho bago ilipad ang kanyang mga labi sa Sultan Kudarat. Miguel de Guzman

MANILA, Philippines - “Dapat ang Commission on Human Rights ang hulihin nila ngayon ay ang mga pumapatay sa pulis. Bakit ‘pag ang pulis ang napapatay, hindi sila umaaksiyon? Sarhento na ang kapatid ko, walang yaman, walang kotse ni walang bisikleta yan, di siya corrupt, wala siyang pera, matapang lang.”

Ito ang naghihimutok na pahayag ni Ronnel Lebrilla, 51-anyos, construction worker, panganay na kapatid ni SPO2 Randy Marlon Lebrilla Y Lescain, 45 anyos, nakatalaga sa Manila Police District-Station 8., na napatay sa isang buy-bust operation nang manlaban ang nasawi ring suspek at target sa raid na si Codeng Ibra Macabato nitong nakaraang Biyernes ng gabi  (Mayo 8), sa Islamic Center sakop ng San Miguel, Maynila.

Si Ronnel lamang ang kapatid na nag-aasikaso sa namayapang pulis at tinutulungan siya ng pamunuan ng MPD sa pangunguna ni MPD Dir. Chief Supt. Joel Napoleon Coronel at hepe ng MPD-Station 8 na si Supt. Olivia Sagaysay.

Kasalukuyang nakaburol sa MPD-Headquarters Multi-Purpose Hall si SPO2 Lebrilla at nakatakdang ilipad sa pamamagitan ng C130 plane sa darating na Miyerkules sa Sultan Kudarat para sa huling hantungan.

“Ina-arrange po namin na mailipad siya thru C130 sa Sultan Kudarat. Sana ma-recognize din po ng ating mamamayan…, ‘eto po ay isang konkretong example, may mga pagkakataon malalakas ang mga baril ng mga kalaban namin at talagang nanlalaban sila,” ani Supt. Sagaysay.

Nais ni Ronnel na imbestigahan din ng CHR at bigyang hustisya ang kaniyang kapatid na marangal na nagsilbi sa bayan simula nang pumasok sa serbisyo taong 1999.

Nabatid na si SPO2 Lebrilla ay ika-apat sa 5 magkakapatid, tubong Sultan Kudarat at miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC), may live-in partner na si Alma Espire, 25-anyos, residente ng Arellano St., Singalong, Maynila.

‘‘Baka ‘eto na ang huling kiss ko sa’yo” pahi­wa­tig ni Lebrilla?

“May premonition na siya, kasi n’ung Biyernes ng hapon dumating siya alas-3:00 ng hapon galing siya sa duty, matu­tulog siya pero sinabihan niya ko na, ‘Halika nga, pa-kiss muna, baka ‘‘eto na ang huling kiss ko sa iyo’’, tapos sinagot ko siya na ‘‘Wait lang, kukunin ko kasi ‘yung sinampay’’, umuulan kasi noon.”

“Tapos mga 8 pm pa lang, konti pa lang tulog niya, umalis na kaagad siya may tumawag sa kaniya, may ope­ration daw sila,” ani Alma.

Ikinalungkot ni Alma na sa loob ng tatlong taon na pag­sasama sa simpleng buhay ay hindi sila nabiyayaan ng anak.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with