PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

2 bus terminal sa QC ipinapasara ng MMDA

MANILA, Philippines -  Inerekomenda kaha-pon ng Metropolitan Mani­la Development Authori­ty (MMDA) ang pansamanta­lang pagpapasara o pagpa­patigil sa operasyon sa da­­lawang bus company sa Que­zon City matapos na lu-mabag ang mga ito sa regulasyong ipinatutupad ng Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Sa ipinadalang sulat ni MMDA Officer-in-Charge Tim Orbos sa LTFRB Board, inirekomenda nito na pansamantalang itigil ang operas­yon ng  Roro Bus Terminal, na matatagpuan sa South Road, Brgy. Bagong Lipunan, Crame  at  Dimple Star Bus Terminal, nasa Main Avenue.

Ayon kay Orbos sa isinagawang ocular inspection ng mga MMDA personnel  sa nasabing mga bus terminal, nadiskubreng ang mga operator nito ay nagkaroon ng mga ilang paglagbag, tulad ng hindi nakapag-provide  ng  mauupuan para sa mga  naghihintay na  mga pasahero.

Nadiskubre din ng MMDA, na ang naturang mga bus  terminal ay walang konkretong pavement, flooring at roofing na proprotekta sa mga pasahero.

Samantala, nasa 146 ng mga motorista ang nasampolan o nahuli ng MMDA matapos lumabag ang mga ito sa Anti-Distracted Dri-ving (ADD) Law, No Contact Apprehension.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: