^

PSN Palaro

Tenorio humataw sa 2 sunod na panalo ng Gin Kings

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maapos ang kabiguan sa una nilang laro ay dalawang sunod na panalo ang ipinoste ng Barangay Ginebra sa 2017 PBA Commissioner’s Cup.

At ang dahilan nito ay ang magandang inilalaro nina veteran playmaker LA Tenorio at balik-import Justin Brownlee.

Nakatuwang ni Tenorio si Brownlee sa mga panalo ng Gin Kings laban sa Globalport Batang Pier at Star Hotshots para sa kanilang 2-1 kartada sa mid-season conference.

Ang 32-anyos na si Tenorio ang tumayong lider ng Ginebra, kaya naman siya hinirang na Accel-PBA Press Corps Player of the Week.

Inungusan ni Tenorio para sa weekly citation ang kanyang Ginebra teammate na si Sol Mercado at sina Jayson Castro, Troy Rosario at Ranidel de Ocampo ng TNT Katropa, June Mar Fajardo ng San Miguel, Meralco guard  Baser Amer at Mike DiGregorio ng Blackwater.

Laban sa Batang Pier, nagtala si Tenorio ng 15 points, 6 rebounds, 4 assists at 2 steals para makumpleto ng Gin Kings ang pagbangon mula sa 19-point deficit at kunin ang 113-96 panalo noong nakaraang Miyerkules.

Noong Linggo ay nagposte naman si Tenorio ng personal conference-best na 21 points, kasama rito ang walo sa final canto, para tulungan ang Ginebra sa 113-98 panalo kontra sa Star.

Nagposte si Tenorio ng average na career-best 16.33 points bukod pa sa 3.67 rebounds at 3.33 assists sa unang tatlong laro ng Gin Kings.

Magbabalik sa aksyon ang Ginebra sa Abril 19 sa kanilang pagharap sa NLEX sa Cuneta Astrodome.

 

vuukle comment

TENORIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with