^

Metro

2 drug suspect hindi nagpahuli nang buhay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi nagpahuli nang bu­hay ang dalawang drug suspek makaraang makipag­barilan sa mga pulis at ma­paslang sa magkahiwalay na operasyon sa Navotas City, Martes ng madaling araw.

Sa ulat, dakong alas-2 ng madaling araw nang magkasa ng operasyon ang nagsanib puwersa na mga tauhan ng Police Community Precinct 3, Station Investigation Branch, Station Anti-Illegal Drugs unit, at Northern Police District Police Safety Battalion sa mga kuta ng mga criminal sa Brgy. North Bay Boulevard North (NBBN).

Sa may San Miguel Street, nakaramdam umano ang suspek na si Egay Sigua, alyas Egay Pingol na mga pulis ang katransaksyon sa iligal na droga kaya agad na nagbunot ng baril at pinaputukan ang kausap na pulis ngunit sumablay.

Dito pinaputukan na ng mga nakaantabay na tauhan ng SAID ang suspek na nagresulta sa kanyang agad na pagkasawi. Narekober sa suspek ang isang kalibre .38 na baril at mga bala.

Bigla naman umanong nagtatakbo ang isa pang suspek na nakilala lamang sa alyas Ronron sa isang eskinita sa naturang lugar nang maispatan ang mga pulis. Hinabol ng mga pulis ang suspek na nagpaputok.

Gumanti ang mga pulis na nagresulta sa pagkakapas-lang sa suspek na nakasuot ng berdeng polo-shirt, light blue na shorts, nasa 30-35 taong gulang at tadtad ng tattoo sa katawan.  Isang kalibre .38 baril ang narekober buhat sa kanya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with