^

Metro

50 showbiz stars, isasailalim sa ‘Oplan Tokhang’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isasailalim sa ‘‘Oplan Tokhang’’ ng PNP ang 50 showbiz personalities  na karamihan ay mga artista na nasa listahan ng mga sangkot sa illegal drug trade at gumagamit ng illegal na droga na nasa narco list ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Walang exempted, kakatukin natin ang mga bahay nila (showbiz persona­lities), pati na television networks  nila”, pahayag ni PNP Chief P/Director Gene­ral Ronald ‘‘Bato’’ dela Rosa  kahapon.

 “I-tokhang natin sa kani-kanilang mga bahay, kanya-kanyang TV station, surrender na kayo kasi identified na kayong drug users at drug pushers”, ani dela Rosa na sinabing hinihintay na lamang niya na ibigay sa kaniya ni Pangulong Du­ter­te ang listahan ng mga showbiz personalities para agad na maisagawa ang operasyon.

Una rito, ibinulgar ni Martin Diño, Chairman ng Volun­teers Against Crime and Corruption at incoming Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairman na 50 personalidad sa showbiz ang sangkot sa droga kung saan 40 sa mga ito ang users ng party drugs at 10 naman ang drug pushers. Ang listahan ay hawak na umano ni Pangu­long Duterte.

Una nang umapela ang actor na si Robin Padilla sa pamahalaan at PNP na huwag pangalanan ang mga celebrities na sabit sa dro- ga dahilan sa masisira ang career ng mga ito.

Nang matanong naman si dela Rosa, ikinatwiran nito na kung ang mga high end subdivisions na tirahan ng mga buena pamilya at maging ng mga opisyal ng pamahalaan ay hindi nangimi ang PNP na isagawa ang ‘‘Oplan Tokhang’’ kaya kahit maging mga sikat na artis-ta ay hindi nila palulusutin.

Tumanggi naman ang PNP Chief na pangalanan ang mga showbiz persona­lities dahilan si Pangulong Duterte na aniya ang mag-bubulgar sa mga ito sa publiko.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with