^

Metro

Grenade explosion: 3 pulis, 4 pa sugatan

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pito katao ang sugatan kabilang ang tatlong pulis makaraan hagisan sila ng   granada ng mga naka-motorsiklong  suspects habang nagbabantay sa Brgy. Culiat sa Quezon City.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), nakilala ang mga nasugatan na sina, SPO1 Romeo Aming, 46; PO3 Jalain Abdurajik, 43; PO2 Abdulwarid Julaid, 48 at mga retiradong pulis na si SPO2 Salla Uddin, 60; sibilyang sina Khadafi Udhan, 36; Alex Taluyan, 38; at Junrey Tioc, 26.

Sila ay pawang mga re-sidente sa Brgy. Culiat QC at isinugod sa East Avenue Medical Center at General Malvar hospital kung saan sila nilapatan ng lunas.

 Sa pagsisiyasat, nabatid ang mga salarin base sa kuha sa CCTV na riding-in- tandem na siyang naghagis ng granada sa mga biktima at agad na sumibat palayo bago pa ang pagsabog.

Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Virgilio Mendoza, nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Libyan St., Al Salaam Mosque compound, ng naturang barangay, dakong alas-12:42 ng madaling araw.

Lumilitaw na ang tribal at religous leaders, sibilyan at mga pulis na naninirahan sa naturang compound ay boluntaryong nakiisa sa pagbabantay sa kanilang lugar upang mapanatili ang kapa-yapaan at kaayusan bilang suporta ng kanilang Brgy. sa pinaigting na kampanya laban sa iligal na droga.

Patuloy naman ang isinasagawang masusing imbestigasyon sa insidente at follow-up operation laban sa mga suspek.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with