^

Metro

Sa buong buwan ng Setyembre: 109 sangay ng SSS, bukas tuwing Sabado

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bilang bahagi ng pagdiriwang sa ika-59 anibersaryo ng Social Security System (SSS), bukas ang operasyon ng 109 piling sangay nito tuwing araw ng Sabado sa buong buwan ng Setyembre mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon para tumanggap ng Loan Restructuring applications.

Ayon kay SSS Asst. Vice President Boobie Angela Ocay ng Member Loans Department na ang hakbang ay sagot sa kawalan ng panahon ng maraming manggagawa na makapunta sa alinmang sangay ng ahensiya dahil mayroon silang pasok sa trabaho tuwing weekdays.

“Marami sa ating mga miembro ay hindi nakakapunta sa SSS dahil sa kanilang trabaho kaya’t sa selebrasyon ng aming anibersaryo ngayong buwan ay magbubukas ang 109 piling sangay ng SSS sa buong Pilipinas sa lahat ng Sabado ng Setyembre para tumanggap ng LRP application,” ayon kay  Ocay.

Bukas ang LRP para sa mga miyembrong may utang na hindi nabayaran ng higit sa anim na buwan mula nang ilunsad ito noong Abril 28, 2016.

Maaaring mag-aplay ang mga miyembrong nakatira o nagtatrabaho sa lugar na sinalanta ng kalamidad na idineklara ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) o ng gobyerno.

Sa ilalim ng LRP ay tatanggalin ang multa kapag nabayaran ang prinsipal at interes ng utang.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with