^

Metro

2 nasa drug list dedo sa Navotas

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawa pang lalaki na nasa drug list ng pulisya ang kap-wa nasawi sa magkahiwalay na insidente sa Navotas City.

Nakilala ang mga nasawi na sina Rodzon Enriquez, alyas Mata, nakatala bilang no. 4 sa drug personalities, at residente ng Market 3, Brgy. North Bay Boulevard North; at si Jonathan Lazaro, 43, alyas Jojo Sparrow, ng S. Roldan Street, Bagong Kalsada, Brgy. Tangos, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Navotas City Police, nagsagawa ng buy bust operation ang Station Anti-Illegal Drugs unit dakong alas-2 kahapon ng madaling araw sa Market 3 upang malambat si Enriquez. Agad umanong nakahalata si Enriquez at unang paputukan ang mga pulis.

Gumanti naman ang mga alagad ng batas na nagresulta sa pagkakapaslang sa suspek. 

Dakong alas-10:30 naman ng gabi, nakatayong mag-isa sa isang bakanteng lote si Lazaro na tila may hinihintay nang sumulpot ang nag-iisang gunman at walang habas na pagbabarilin ito at mapatay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with