^

Metro

Sa insidente ng road rage sa Quiapo: ‘Shoot-to-kill’ vs killer ng biker

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Full force ang mga ele­mento ng Manila Police District (MPD) sa isinasagawang manhunt operation para kunin ‘buhay o patay’ ang suspek na bumaril at nakapatay sa isang biker na nakaalitan nito sa trapiko sa Quiapo, Maynila, noong Lunes ng gabi (Hulyo 25).

Ikinasa ang operasyon ma­tapos mabigong sumuko sa mga awtoridad kahapon ng hapon ang natukoy na suspek na si Vhon Martin Tanto, 39, Philippine Army Reservist  at residente ng Fraternal St., Quiapo, Maynila.

Sa isang press confe­rence, sinabi ni MPD acting director Senior Supt. Joel Napoleon Coronel, na binigyan lamang niya ng hanggang alas-5:00 ng  hapon ka­hapon ang suspek na si Tanto para sumuko.

Hindi umano dapat bigyan ng pagkakataong makapa­nakit o malagay sa panganib ang buhay ng mga pulis o kahit sinong sibilyan kaya’t mahigpit ang kautusan na dapat itong madakip sa lalong madaling panahon buhay man o patay, ani Coronel.

Ang suspek umano ay na­tuklasang may 3 handgun na nakarehistro sa Firearms and Explosive Office (FEO) ng Philippine National Police, sa Camp Crame, Quezon City.

Kabilang umano sa baril ni Tanto ay dalawang kalibre .45 at isang 9 mm na walang permit to carry.

Nabatid sa rekord ng MPD-Homicide Section, na noong Lunes ng gabi ay binaril at napatay ni Tanto ang  biktimang si Mark Vincent Geralde, 36, na nagbibisik­leta lamang nang makaalitan.

Batay sa kuha ng closed circuit television (CCTV) ng Barangay 385, Zone 39, na nakasasakop sa P. Casal St., Quiapo, hindi kinaya ni Tanto ang biktima nang sila ay magpambuno at nang sakal-sakal na umano ito ng biktima ay pinaniniwala na okey na sila, subalit nagtungo ito sa kaniyang kotse (Hyundai EON) may conduction sticker na MO3746 at kinuha ang baril bago tumakbo papalapit sa biktima na noon ay naglala­kad habang hila-hila ang kaniyang bisikleta at pinaputukan sa ulo.

Sa unang putok ay bu­mag­sak na ang biktima na si­nundan pa ng ilang putok. Na­damay na tinamaan ng ligaw na bala ang 18-anyos na si Roselle Bondoc, na nasa labas ng bahay at nag­tatapon ng basura. Nahagip  ang spinal cord nito ng bala at kritikal ang kalagayan sa Mary Chiles Hospital, sa Sampaloc, Maynila.

Ilang testigo naman ang nagkumpirma at positibong kinilala ang suspek na siyang namaril sa biktima, nang ma­kita ang nag-viral na kuha ng CCTV sa social media at mga litrato ng suspek

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with