^

Metro

Bebot inutas dahil sa onsehan sa drugs

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang babae na umano’y sangkot sa ipinagbabawal na gamot ang pinagbabaril at napatay ng kapwa nito ‘tulak’  matapos magka-onsehan, kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.

Ayon kay Supt. Jenny Tecson, chief ng Public Information Office (PIO) at tagapagsalita ng Southern Police District (SPD), inaalam pa aniya ng Parañaque City ang tunay na pagkaka-kilanlan ng biktima, na tinatayang nasa 25-anyos ang edad, nakasuot  ng sweat shirt na sa ilalim nito ay kulay pulang sando at kulay itim na short na may lining na puti, nagtamo  ito ng tatlong tama ng bala sa ulo at katawan buhat sa kalibre .45 baril.

Nagsasagawa na rin ng follow-up ang pulisya para sa agarang pagdakip  sa suspect na kinilala sa pangalang “alias Bilo”, isa umano itong notorious na drug pusher.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Parañaque City Police, naganap ang insidente alas-6:30 kamakalawa ng gabi sa ovespass ng Ninoy Aquino Avenue, Brgy. La Huerta ng naturang lungsod.

Ayon sa  nakalap na impormasyon ng pulisya, nabatid na ang biktima at ang kinakasama nitong si “alyas Mago’’ ay sinasabing kapwa  umano tulak at addict ng droga at ka-partner nila sa illegal na gawain ay ang suspect na si alyas Bilo.

Nabatid, na nagka-onsehan umano sa pera na nagmula sa pinagbilhan ng droga ang tatlo, dahilan upang magalit ang suspect na nagresulta upang pagbabarilin hanggang sa mapatay ang  babae na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with