^

Metro

1 pang dawit sa droga, pinatahimik

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang 38-anyos na  lalaki nang barilin ng hindi pa kilalang salarin, sa Parola Compound, Tondo, Maynila, kamakalawa ng tanghali.

Nakahandusay at duguan nang madatnan ng mga tauhan ng Manila Police District-Homicide Section ang biktimang  si Genesis Labiana, 38 tambay, at residente ng Apex Compound, sa  Brgy. 20,  Zone 2, Parola Compound.

Patuloy pang inaalam kung sino ang responsable sa pamamaril at motibo sa krimen.

Walang nais magsalita sa mga residente kaugnay sa pangyayari bukod sa sinasabing armado ng baril ang isang lalaki na tumakas matapos mapuruhan ang biktima.

Nakuha sa  kaliwang kamay ng biktima ang 4 na sachet ng shabu na nakabalot pa sa isang pirasong P20 bill.

Sa ulat ni PO3 Bernardo Cayabyab ng MPD-Homicide Section, dakong alas-11:00 ng tanghali nang maganap ang insidente sa harapan ng Gate 1, sa Parola Compound sakop ng Tondo. Naglalakad umano ang biktima nang sumulpot ang lalaking armado ng kalibre 45 baril at pinaputukan ang biktima ng walang sabi-sabi.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with