^

Metro

Kilabot na Chinese drug lord utas sa Valenzuela

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang umano’y kilabot na drug lord at shabu laboratory operator matapos takasan ang mga pulis sa lungsod ng Valenzuela ngayong Biyernes.

Kinumpirma mismo ni Philippine National Police Director General Ronald "Bato" Dela Rosa ang pagkasawi ni Chinese national Meco Tan na isa sa mga high-value targets nila.

"He has been operating here in the Philippines for almost eight years already. He was responsible for putting up drug laboratories, shabu laboratories here in Metro Manila that has been busted," pahayag ni Dela Rosa sa kaniyang panayam sa ABS-CBN News Channel.

Sisilipin lamang sana ng PNP Anti-Illegal Drug Group ang bahay ni Tan sa bisa ng kanilang dalang search warrant ngunit kaagad tumakas ang Tsino.

Unang nagpaputok umano si Tan kaya naman napilitang gumamit ng pwersa ang mga pulis na nauwi sa pagkakapaslang sa kaniya.

Nasakote rin ang pito pang Tsino sa bahay ni Tan kung saan naroon ang shabu laboratory.

Sa pagkakapaslang kay Tan ay sinabi ni Dela Rosa na patunay ito na hindi lamang small time na mga adik ang kanilang tinutugis.

Patulyo ang kampanya ng gobyerno laban sa ilegal n droga.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with