^

Metro

Erap sa city hall employees: ‘Change is coming’

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – ‘Change is coming’. Ito ang bahagi ng talumpati ni  Manila Mayor Joseph Estrada sa paggawad ng parangal sa mga “Outstanding Emplo­yees” noong Miyerkules, na bahagi ng ika-445 taong selebrasyon ng Araw ng Maynila.

Babala ni Estrada, kaila­ngan na humanda ang mga kawani ng city hall sa pagsisimula ng kanyang ikalawang termino bilang alkalde ng  lung­sod sa Hulyo 1.

Ayon kay Estrada, magka­karoon ng pagbabago sa hanay ng mga empleyado ng lungsod sa susunod na tatlong taon.

“Kung may pagbabagong dala ang bagong panguluhan sa Malacañang, dito rin sa Maynila, change is coming,” ani Estrada.

Dito ay muling binanggit­ ng alkalde ang umano’y pana­na­botahe ng ilang opis­yal at kawani ng city hall sa kanyang mga programa at proyekto mula nang siya ay umupo noong 2013.

Kabilang na rito ang ilan na sadyang pinatatagal ang pagproseso ng mga papeles nang walang dahilan, mayroon ding iligal na nanini­ngil ng kung anu-ano sa mga residente na nais makakuha ng libreng serbisyo-medikal, at ilan pang nagpapakalat ng mga paninira upang masira ang tiwala ng tao sa kanya.

Aniya, hindi na dapat mag­patuloy ang paninira sa kanyang mga programa dahil ang Manilenyo ang mas na­a­­apek­tuhan.

Giit pa ni Estrada, wala siyang tinanggal o nilipat na empleyado mula noong 2013 na pagpapatunay na hindi umano siya benggador.”

Ipinagmalaki nitong naba­yaran niya ang P5.5-bilyong utang ng lungsod na iniwan ng pinalitan niyang mayor, at naibigay ang mga benepisyo at salary increase na matagal na ipinagkait sa mga empleyado.

Sa kauna-unahang pagka­kataon ay nakatanggap din ang mga kawani ng city hall ng cash incentive na katumbas ng isang buwan nilang suweldo nitong Disyembre.

“Nakakalungkot lang na sa kabila ng lahat ng pang-unawa  at serbisyo mayroon pa ring mga ilan na patuloy na kumi­kilos upang sirain ang ating magandang nasimulan,” ani Estrada.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with