^

Metro

Ex-con utas sa engkuwentro

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isäng ex-convict, na kilabot umanong holdaper matapos itong makipagbarilan sa mga pulis, kahapon ng madaling   araw sa Pasay City.

Dead-on-the-spot and suspect na si Allan Barata, 23, ng  E. Rodriguez St., Brgy. 158 ng naturang  siyudad, nagtamo ito ng ilang tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Ayon kay Senior Supt. Joel B. Doria, hepe ng Pasay City Police, naganap ang insidente ala-1:30 ng madaling araw sa kahabaan ng S. De Guzman St., Brgy. 156 ng nasabing lungsod.

Nabatid na nagsasagawa ng ‘Oplan Sita Operation’ ang mga pulis nang mamataan nila ang kahina-hinalang suspect lulan ng bisikleta.

Sinita ito ng mga pulis, na sa halip na huminto ay pinaharurot pa nito ang bisikleta kaya ito hinabol ng pulisya.

Matapos namang masukol ay tinangka pa nitong saksakin ang isa sa mga pulis na sumablay naman kasunod nang pagbunot sa dalang baril at pinaputok sa mga awtoridad.

Dito na gumanti ng putok ang mga pulis kung saan nasapol ang sinasabing suspect na naging dahilan ng kamatayan nito.

Nasamsam sa nasawing suspect and tatlong plastic sachet ng shabu, caliber .22, cal. 9mm at patalim.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with