^

Metro

Recom aprub sa INC

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Si Nationalist Peoples Coalition (NPC) mayoralty candidate Cong. Recom Echiverri ang inendorso ng Iglesia ni Cristo bilang alkalde ng Caloocan City. Kaugnay nito kaagad nagpaabot ng pasasalamat kahapon si Cong. Echiverri, sa pamunuan at kapatiran ng Iglesia ni Cristo sa pamumuno ni Kapatid na Eduardo Manalo, Tagapamahalang Pangkalahatan ng nasabing religious group dahil sa suportang ipinagkaloob sa kanya para sa darating na halalan sa Lunes, Mayo 9.

Dahil sa suporta ng INC kay Echiverri ay lalo pang lumaki ang kalamangan nito laban sa kasalukuyang mayor na si Oca Malapitan, dahilan para maiwan na ito ng milya-milya. 

Sinabi rin ni Echiverri sa buong kapatiran ng INC na kulang 100,000 libo ang kasapi sa lungsod, na hindi niya ito bibiguin sa ginawang pagsuporta sa kanya. “Makakaasa po kayo ng dagliang pagbabago ng lungsod patungo sa isang maunlad at masiglang Caloocan na puno ng mga programa at proyektong pakikinabangan ng mamamayan,”ani Echiverri.

Maging sa pinakahuling survey ng Innovative Politics.Com o INNOPOL.COM na isinagawa noong May 1 to 3, ngayong taon, lumabas na nakakuha si Echiverri ng 60 percent  sa 18,800 res­pondents na tinanong habang si Malapitan ay nakakuha lamang ng 35 percent, habang nananatiling 5 percent  ang undecided. Sa pinakahuling survey ng INNOPOL.COM, tumaas pa ang lamang ni Echiverri ng 9 percent habang si Malapitan ay bumaba pa 9 percent.

Dahil sa ginawang pag-endorso ng INC kay Recom, tinatayang tataas pa ng 5 percent ang boto nito kung kaya’t malinaw na isang landslide victory ang makukuha ng nagbabalik na alkalde.

Sa naturang survey, ayon kay Prof.Ernie Radin, nanguna sa pagsasagawa ng survey at pag-aaral, kanilang isinama sa pagtatanong kung sino ang kanilang pipiliin mayor, vice mayor ng lungsod sa Mayo 9.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with