^

Metro

Mga pasahero sa NAIA, natatakot na sa ‘tanim-bala’

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaghaharian na ng takot ang ilang pasaherong umaalis at dumarating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil muli na namang nauso ang umano’y ‘tanin-bala’ sa NAIA.

Ayon sa impormasyon, hindi lang ‘tanim-bala’ extortion scam ang nangyayayi ngayon sa NAIA kundi pati ang mga nakawan ng gamit ay nauuso na rin.

‘Masisira ang turismo at laking kahihiyan ang idinudulot ng mga nakakatakot na gawain sa NAIA dahil usap-usapan na rin ang mga ito sa buong mundo.’ sabi ng ilang airport observers.

Nagtataka ang mga taga-NAIA kung bakit muling bumalik ang ‘tanim-bala’ scam sa paliparan gayong kinalimutan na ang nakakatakot na extortion gimmick na ito.

Ayon sa impormasyon, hindi biro ang nabibiktima ng ‘tanim-bala’ extortion scam kaya kailangan may makulong sa mga nambibiktimang ito.

‘Siguro mas mainam kung balasahin lahat ang mga awto­ridad sa paliparan at palitan ito Philippine Marines para ma­wala na ang duda ng mga pasahero sa mga autoridad na nasa initial at final check-in ng airport. 
 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with