^

Metro

Tandem na holdaper, todas sa engkuwentro

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang riding-in-tandem na holdaper nang makipagbarilan sila sa mga pulis matapos biktimahin ang isang 18-an­yos na dalaga, kahapon ng madaling araw sa Las Piñas City.

Dead on the spot ang mga suspect na nagtamo ng mga tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril habang inaalam pa ng pulisya ang pagkaka­kilanlan sa mga ito.

Kinilala naman ay ka­nilang naging biktima na si Mary Jane Delos Reyes, ng Brgy. Moonwalk, Parañaque City.

Ayon kay Senior Supt. Jemar D. Modequillo, hepe ng Las Piñas City Police, naganap ang insidente ala-1:30 kahapon ng madaling araw sa kahabaan ng Tionquiao St., Brgy. Manuyo 2 ng natu­rang lungsod.

Nag-aabang umano ng masasakyan ang bik­tima patungong Evacom, nang sumulpot ang da­lawang suspect na magkaangkas sa isang  motorsiklo ( 2004-WJ.)

Kaagad tinutukan ng mga ito ng baril ang biktima at saka nagdeklara ng holdap at nang ma­kuha ang mga gamit at pera ng huli ay mabilis na umanong nagsitakas.

Tiyempo namang nag­papatrulya sa naturang lugar ang mga ka­gawad ng Las Piñas City Police at kaagad na humingi ng tulong ang biktima. Mabilis na nagsagawa ng follow-up operation ang mga pulis at hinabol  nila ang mga tumatakas na mga suspect.

Pinaputukan ng mga holdaper ang humahabol sa kanilang mga pulis hanggang sa nagpalitan ng putok ang mga ito na ikinasawi ng dalawang suspect

Narekober ng mga pulis mula sa mga suspect ang 2 kalibre .38 baril, mga bala nito, ang motorsiklong ginamit nila sa panghoholdap at  bag na pag-aari ng biktima, na naglalaman ng cash na P1,190 at mga cellphone.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with