^

Metro

Flower shop sinalakay: 7 arestado sa P15-M halaga ng shabu

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pito katao ang inaresto ng mga awtoridad kasunod ng pagkakasamsam ng 3 kilo ng shabu na nag­ka­kahalaga ng P15-M sa isinagawang buy bust operations ng mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group — National Capital Region (PNP-CIDG-NCR) sa Binondo, Manila nitong Martes ng gabi.

Ayon kay Chief Inspector Elizabeth Jasmin, PIO-CIDG  ang mga suspect ay nasakote sa Epitome Flowershop na matatagpuan sa Pacific Centre Room, 809 B, Quintin Paredes St., Bi­nondo sa lungsod.

Kinilala ang mga nada-kip na sina Karen Mae Tan, may-ari ng Epitome Flower Shop; Bernadette Ortega, Secretary sa establisimi-yento; Maricon Aina Castro; Arman Ocba, Christopher Viray, Arman Baer  at Judith Maglalang.

Ang buy-bust operation ay isinagawa maga-alas-6 ng gabi sa ilalim ng superbisyon ni Sr. Supt. Ronald Lee, hepe ng PNP-CIDG-NCR.

Sa report na isinumite ni Lee kay PNP-CIDG Chief P/Victor Deona, ang nasabing flower shop ay front lamang ng mga nasakoteng suspect sa ilegal na aktibidades ng mga ito sa pagbebenta ng ilegal na droga.

Nakumpiska sa loob ng flower shop ang isang kulay asual at kulay puting paper bag , isang kulay berdeng ecobag at isang kulay asul na backpack na ang bawat isa ay naglalaman ng tig-isang kilo o kabuuang 3 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P15 milyon.

Ayon kay Lee, ang mga nasakoteng suspect ay dinala na sa tanggapan ng PNP-CIDG-NCR  sa Camp Crame habang isinailalim naman sa confirmatory tes-ting sa PNP Crime Laboratory.

Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act 9165 laban sa mga nasakoteng suspect.

Nabatid pa na ang pagkakaaresto sa mga suspect ay bahagi ng pinalakas na anti-drug campaign matapos naman ang pagkakasakote ng PNP-Anti-Illegal Drugs Group (PNP-AIDG) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kay Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino, dating drug buster at hinihinalang Chinese drug trafficker na si  Yan Yi Shou sa raid sa Sta. Cruz, Manila na nagresulta sa pagkakasamsam ng P320M halaga ng shabu noong Enero 21 ng taong ito.

Samantalang iprinotes-ta naman ni Marcelino ang pagkakasakote sa kaniya na iginit na isa siyang undercover agent ng Intelligence Service Group (ISG) ng Philippine Army.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with