^

Metro

Bebot patay sa nakagitgitang rider

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang magandang babaeng motorista nang saksakin ito ng isang motorcycle rider na nakagitgitan nito sa trapiko kahapon ng hapon sa Parañaque City.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Unihealth Hospital ang biktima, na habang isinusulat ito ay hindi pa muna ibinigay ng pulisya ang pangalan.

Ito ay nagmamaneho ng isang Isuzu Portivo na may plakang XRY-677. Mabilis namang tumakas ang suspect lulan ng motorsiklo na hindi naplakahan.

Sa inisyal na ulat na natanggap ni Senior Supt. Ariel Andrande, hepe ng Parañaque City Police, naganap ang insidente pasado alas-4:00 kahapon ng hapon, malapit sa Parañaque City Hall, San Antonio Valley 1 ng naturang siyudad.

Minamaneho ng biktima  ang kanyang sasakyan, gayundin ang suspek at habang binabagtas  ang naturang lugar ay sinasabing nagkagitgitan ang mga ito.

Dito na umano nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa hang­gang sa undayan ng saksak ng suspect ang biktima.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ukol dito.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with