^

Metro

Call center agent, hinoldap ng tandem

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muli na namang nakapuntos ang mga kriminal na riding in tandem makaraang holdapin ang isang call center agent, kamakalawa ng umaga sa Caloocan City.

Nakilala ang biktima na si Paul Edward Dy, 24,  call center agent, at residente ng Brgy. 81, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng biktima, naghihintay siya ng masasakyang bus sa may Boni Serrano Avenue malapit sa EDSA sa Brgy. 86 dakong alas-10:30 ng umaga nang huminto sa kanyang tapat ang isang motorsiklo na magkaangkas ang mga suspect.

Agad umano siyang tinutukan ng baril ng angkas na bumaba sa motorsiklo at sapilitang tinangay ang kanyang pitaka na naglalaman ng P1,500 na pera at iba pang dokumento.

Tinangka naman ng biktima na maghanap ng mga pulis na mahihingan ng saklolo ngunit nabigo ito habang ma­tagumpay na nakatakas ang mga suspect.  (Danilo Garcia)

vuukle comment

BONI SERRANO AVENUE

BRGY

CALOOCAN CITY

DANILO GARCIA

MULI

NAKILALA

PAUL EDWARD DY

TINANGKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with