^

Metro

Negosyante utas sa tandem

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang negosyante ang nasawi habang nadamay naman sa ligaw na bala ang isang kostumer nito makaraang pagbabarilin ang una ng riding in tandem  sa Brgy. Payatas, lungsod Quezon, kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, nakilala ang nasawi na si Francisco Ceras,  52, ng Kasunduan Extension, Brgy. Commonwealth sa lungsod.

Ginagamot naman sa ospital ang sugatang si Reymundo Fuggan, 56, ng Pook, Pagasa Brgy. Batasan Hills sa lungsod.

Ayon kay SPO2 Jimmy Jimena, may-hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa may kahabaan ng IBP Road, Brgy. Payatas, ganap na alas- 4:15 ng madaling araw.

Ayon sa isang testigo una niyang narinig  ang tatlong sunod na putok ng baril. Nang kanyang tignan ay nakita niya ang dalawang lalaki na mabilis na sumakay sa isang motorsiklo at sumibat papalayo sa lugar. Ilang hakbang ang layo mula dito ay nakita naman niya si Ceras na nakadapa sa semento sa harap mismo ng kanyang tindahan ng buko.

Habang si Fuggan na bumibili naman ng buko sa biktima ay tinamaan din ng ligaw na bala sa kaliwang binti.

Agad namang itinakbo ng ilang residente sa FEU hospital ang mga biktima para magamot, subalit si Ceras ay idineklarang patay, ganap na alas- 5:22 ng madaling-araw.

Narekober sa lugar ang tatlong basyo ng kalibre 45 baril na ginamit sa pamamaril kay Ceras na nagtamo ng tama ng bala sa kaliwang tagiliran ng  kanyang katawan.

Patuloy ang pagsisiyasat ng awtoridad sa nasabing insidente. 

vuukle comment

AYON

BATASAN HILLS

BRGY

FRANCISCO CERAS

JIMMY JIMENA

KASUNDUAN EXTENSION

PAGASA BRGY

PAYATAS

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

REYMUNDO FUGGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with