^

Metro

Trahedya sa b-day party: 1 dedo, 2 sugatan

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nauwi sa trahedya  ang masayang pagdiriwang ng kaarawan, makaraang isang mister ang nasawi at dalawa pa ang sugatan nang pagtatagain ang mga ito ng isa nilang kainuman, kamakalawa sa Makati City.

Dead-on-the-spot si Fer­nando Agnote, 45, ng A. Mabini St., Brgy. West Rembo ng naturang lungsod sanhi ng tinamong mga taga sa ulo.

Ginagamot naman sa Ospital ng Makati sina Miguel Capistrano at Miguel Angelo Banez.

Samantala, pinaghahanap pa ng pulisya ang suspek na nakilalang si Joenel Quimpano, 28.

Sa imbestigayon ng  Ma­kati City Police, naganap ang insidente ala-1:00 ng madaling araw sa A. Mabini St., Brgy. West Rembo ng naturang lungsod sa pagdiriwang ng kaarawan ng isang  Carmelita Sarandi.

Sa gitna ng inuman biglang nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan nina Agnote at Quimpano kung saan kumuha ng  jungle bolo ang huli at pinagtataga si Agnote. Tinangka naman nina, Capistrano at Banez na awatin ito, subalit sila naman ang hinalihaw ng taga ng suspect.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang  suspek .

vuukle comment

AGNOTE

BRGY

CARMELITA SARANDI

CITY POLICE

JOENEL QUIMPANO

MABINI ST.

MAKATI CITY

MIGUEL ANGELO BANEZ

WEST REMBO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with