^

Metro

Bebot nanlaban sa holdaper, utas

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang babae, makaraang barilin ng riding-in-tandem  nang manlaban umano ang una sa mga huli sa isang insidente ng panghoholdap sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City kahapon ng madaling-araw.

Inilarawan lamang ang nasawi  sa pagitan ng edad na 20-25-anyos, may taas na 4’11’’, maputi, slim ang katawan, nakasuot ng t-shirt at floral na jeans.

Ayon kay PO2 Rhic Pittong, imbestigador nangyari ang insidente sa may Faustino St., Brgy. Holy Spirit, ganap na ala-1:30 ng madaling-araw.

Sabi ng isang testigo, bago ang insidente nasalubong umano niya ang biktima na naglalakad sa lugar habang siya ay papauwi. Ilang minuto, nakarinig na lang umano siya ng sigaw mula sa kanyang likuran at nang kanyang tingnan ay nakita niya na binabaril ng backrider ang biktima.

Kasunod nito, sumakay ang gunman sa motorsiklo ng kasama at sumibat papalayo sa lugar. Agad namang ipinagbigay-alam ng testigo ang insidente sa barangay na siya namang tumawag ng awto­ridad para sa imbestigasyon.

Base sa kuha ng CCTV ng barangay, makikita na nakapayong pa ang biktima habang naglalakad sa naturang lugar hanggang sa mawala ito sa screen. 

 Ilang segundo nakita ang isang motorsiklo na papaalis habang bitbit ang isang bag na kinuha sa biktima. Itinaas pa ng suspek ang bag habang papalapit sa camera.

Sabi ng barangay, posib­leng nanlaban ang biktima sa suspek, dahil nakita sa lugar ang naputol na strap ng bag nito na indikasyon na ma­aaring nakipaghatakan pa ito sa suspek.

Sa pagsisiyasat, ang biktima ay nagtamo ng isang tama ng bala sa sikmura na siyang ikinamatay nito.

 

vuukle comment

AYON

BIKTIMA

BRGY

FAUSTINO ST.

HOLY SPIRIT

ILANG

QUEZON CITY

RHIC PITTONG

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with