MMDA umapela sa mga truck operators
MANILA, Philippines - Umapila kahapon si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino sa mga truck operators na huwag munang dumaan sa North Luzon Expressway (NLEX) simula bukas (Hulyo 26) hanggang sa araw ng Lunes (Hulyo 28) kaugnay pa rin sa pagdiriwang ng ika -100 taong anibersaryo ng Iglesia Ni Cristo (INC).
Ito ay upang hindi na umano madagdagan ang inaasahang matinding trapik dulot ng milyong taong dadalo sa naturang makasaysayang okasyon na gaganapin sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.
Ito ay maliban na lamang umano sa mga truck na nagdedeliber ng mga perishable items.
Kaugnay nito, aktibo na rin simula kahapon ang Sentenaryo Application na binuo ng MMDA para sa mga Android users at layunin nito na ma-monitor ng mga magtutungo sa Philippine Arena sa Linggo.
Sa naturang application ay mamo-monitor gamit ang daloy ng trapiko sa North Luzon Expressway (NLEX), mga kalsada patungo sa Bocaue, Santa Maria, Plaridel at Calumpit sa Bulacan.
- Latest