^

Balita Ngayon

Miami Heat balik sa NBA finals

AJ Bolando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sinigurado ng defending champion Miami Heat na hindi sila masisilat nang durugin nila ang Indiana Pacers, 99-76, sa game 7 ng NBA Eastern Conference Finals.

Binuhat ni four-time MVP Lebron James ang kanyang koponan sa pagtala ng 32 points, walong rebounds at apat na assist upang tapusin ang serye sa harap ng kanilang mga fans.

Hindi naman nagkulang sa suporta ang kanyang tropa na sina Dwyane Wade at Ray Allen na bumakas ng 21 at 10 markers bawat isa.

Sa ikalawang quarter nagpasabog ang Heat nang tumipa sila ng 33 points kontra sa 16 lamang ng Pacers para kunin ang 15-point lead sa halftime, 52-37. Mula noon ay hindi na nakaporma pa ang Indiana sa laban.

Makakabangga ng Heat sa NBA Finals ang Western Conference champion San Antonio Spurs na winalis ang serye nila ng Memphis Grizzlies.

Sisimulan ng Heat at Spurs ang tagisan ng lakas para sa titulo sa Hunyo 7, 2013, Biyernes dito sa Pilipinas.

Ito ang ikatlong sunod na beses na nakapasok ang Miami sa NBA Finals at nakatingin sila sa pagbulsa ng ikatlong titulo.

Nakatuntong ang Heat sa Finals noong 2011 ngunit bigo silang maipanalo ito kontra Dallas Mavericks.

Bumangon ang Miami noong 2012 upang kubrahin ang ikalawang korona nila, una noong 2006, matapos pabagsakin ang bagitong Oklahoma City Thunder.

Tangka naman ng Spurs na sungkitin ang panlima nilang titulo na huli nilang nagawa noong 2007 kontra Cleveland Cavaliers na dating koponan ni Lebron James. (AJ Bolando)

vuukle comment

CLEVELAND CAVALIERS

DALLAS MAVERICKS

DWYANE WADE

EASTERN CONFERENCE FINALS

INDIANA PACERS

LEBRON JAMES

MEMPHIS GRIZZLIES

MIAMI HEAT

OKLAHOMA CITY THUNDER

RAY ALLEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with