Kilos protesta ikinasa kontra oil price hike
MANILA, Philippines – Magsasagawa ng kilos-protesta ang militanteng grupong Piston ngayong Miyerkules sa lungsod ng Quezon upang kondenahin ang sunud-sunod na pagtataas ng presyo ng langis.
Sinabi ni Piston national president George San Mateo magkikita-kita sila sa Aurora Boulevard sa Cubao, Quezon City Miyerkules ng umaga upang isagawa ang noise barrage.
Magsasagawa ng protesta dahil sa bagong pagtaas ng presyo ng langis ng pangunahing oil player na Shell na nagtaas sa presyo ng diesel ng P0.35 kada litro at P0.95 naman kada litro sa gasolina.
Dagdag ni San Mateo na ang protesta ngayon ay una lang sa gagawin nilang metro-wide protest action sa Biyernes, Pebrero 1.
- Latest
- Trending