PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Rape suspect itinumba

Isang suspek sa pang­ga­gahasa at dalawa pang lalake ang pinagbabaril at napatay sa isang kabu­ kiran sa Sitio Mathay, Barangay Tuyo Siyudad, Balanga, Bataan kama­kalawa ng gabi.  Kinilala ni Bataan Po­lice Director P/Sr.Supt. Manuel Gaerlan ang mga biktima na sina Ruben dela Cruz, 22-an­yos, binata, wa­lang tra­baho; Joel Lopez, 18, wa­lang hanapbuhay; at ka­patid nitong si Noel, 22, binata, magsasaka kapwa nakatira sa Sityo Nagka­mayan ng naturang Ba­rangay.  Galing umano ang mga biktima sa isang inu­man nang mapatay kama­kalawa ng gabi.

Sa ipinadalang report ni P/Insp. Marlon Cudal, de­puty chief of police Ba­langa City kay P/Supt. Atty. Benjamin Silo Jr., hepe ng Balanga City Police Station, masayang nag-iinu­man ang mga biktima ka­sama si Alex de Guzman sa bahay ng Lopez brothers alas-7:00 ng gabi at hindi nagtatagal ay iniwan ni de Guzman ang mga biktima na nag-iinuman pa rin.

Nabatid sa pulisya na may kinakaharap na ka­song rape sa Bataan Provincial Prosecutor’s Office si dela Cruz. Hindi pa ma­batid kung may police record din ang dalawa pang biktima.  (Jonie Capalaran)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: