^

Probinsiya

Pagguho ng Banaue Rice Terraces nakaamba

-

LAGAWE, Ifugao, Philippines – Dahil sa pagkatuyo ng mga sapa at pagkabitak-bitak ng mga lupain ay pinanga­ngam­ba­han naman ng mga magsasaka ang nakaam­bang pagguho ng tinaguri­ang hagdan-hagdang pala­yan (Banaue Rice Terraces) sa nabanggit na lalawigan.

Ayon sa magsasakang si Apo Humiding, ang mga mala­­laking bitak ngayon sa lupang kanilang sinasaka sa nabang­git na rice terraces ang nagbibigay sa kanila ng pangamba na maaring gu­muho ito pagsapit ng tag-ulan.

Maliban sa mga bitak na lupain ay unang  nagka­butas-butas na rin sa ilalim ng kanilang  sinasaka dahil naman sa mga malalaking bulate (giant earthworm).

Sa kasalukuyan ay su­mugal ang mga magsasaka na nagtanim ng mga palay (tinawon) ngayon buwan ng Pebrero at Marso sa pag-asang magkakaroon ng ulan sa mga susunod na araw bago ang kanilang anihan sa Hulyo hanggang Setyembre.

Samantala, apektado na rin ang turismo sa kilalang lugar ng 8th Wonder of the World dahil sa epekto ng El Niño phenomenon na na­ging sanhi upang matuyo at mamatay ang dating luntian at berdeng tanawin sa Ifugao.

Ang magandang tana­win at malamig na hangin ang pangunahing atraksyon sa mga turista sa rice ter­races subalit dahil sa epekto ng El Niño ay natuyo ang mga berdeng dahon at ma­alinsa­ngan na rin ang panahon.

Dahil sa tagtuyot ay idi­neklara na rin ang state of calamity sa Banaue, Ifugao. Victor Martin

vuukle comment

APO HUMIDING

AYON

BANAUE RICE TERRACES

DAHIL

EL NI

IFUGAO

SHY

VICTOR MARTIN

WONDER OF THE WORLD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with