PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

2 opisyal ng AFP pinabulagta

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Dalawang opisyal ng Phil. Army ang iniulat na nasawi makaraang makasagupa ang mga rebeldeng New People’s Army kahapon ng umaga sa liblib na bahagi ng Sitio Baliti, Barangay Tigkiw, sa bayan ng Gubat, Sorsogon. Kinilala ang mga napatay na sina 2Lt. Michael Angelo Quebuyen at Cpl. Michael Gulles na kapwa nakatalaga sa 42nd Infantry Battalion ng Phil. Army. Lumilitaw na nagpapatrolya ang tropa ng 42nd Infantry Battalion nang maka-engkuwentro ang mga rebelde. Tumagal ng 20-minutong palitan ng putok bago nagsiatras ang mga rebelde kung saan naiwang patay sina Quebuyen at Gulles. May teorya ang mga sundalo na may sugatan sa grupo ng NPA dahil sa mga patak ng dugo sa dinaanan. Ed Casulla

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: