^

Probinsiya

Trak vs bike: Mister todas, mag-ina grabe

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO  , Philippines  —  Patay ang 51-anyos na ama habang malubha naman ang kanyang mag-iina makaraang masalpok ng trak ang kanilang motorsiklo sa kahabaan ng national highway sa Barangay Zone IV, Koronadal City, South Cotabato noong Linggo ng hapon. Kinilala ang namatay na si Gilbao Bersameda habang nagpapagaling naman sa South Cotabato Provincial Hospital ang mag-inang sina Edna Bersameda, 48; at Shiela Marie Bersa­meda, 18, mga nakatira sa Barangay Lamian sa bayan ng Surallah, South Cotabato. Ayon kay SPO3 Arnel Facis, magkaangkas sa motorsiklo ang mag-asawa at kanilang anak nang masalpok ng truck ni Mohammad Abdullah na patungong General Santos City mula sa Zamboanga City. Nagtamo ng matinding sugat sa katawan si Gilbao dahil sa lakas ng pagkakabangga ng truck sa likuran ng motorsiklo ng mga biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with