^

Probinsiya

Alert level 4 itinaas sa Mayon Volcano

Pilipino Star Ngayon
Alert level 4 itinaas sa Mayon Volcano

MANILA, Philippines — Itinaas ang alert level 4 kasunod ng pagputok ng bulkang Mayon ngayong Lunes.

Ayon sa Philippines Institute of Seismology and Volcanology (Phivolcs), naglabas ng volcanic fragments, ash at steam ang bulkan kaya naman dumilim sa ilang lugar na malapit dito.

Nagbabala ang Phivolcs sa posibleng mas malakas na pagsabog sa mga susunod na araw.

Higit isang linggo nang nag-aalburoto ang bulkan kaya naman nasa 27,000 katao na ang lumikas.

Inabisuhan naman ni Albay Gov. Al Francis Bichara ang mga residente ng third district na manatili sa kanilang mga bahay.

Sakop ng ikatlong distrito ang bayan ng Ligao, Guinobatan, Jovellar, Libon, Oas, Polangui at Pio Duran.

Sinuspinde na rin ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa buong lalawigan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with