^

Probinsiya

Mister tepok sa gulpi ng mag-utol

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang isang 42-anyos na mister matapos itong pagtulungang gulpihin ng kaanak niyang magkapatid makaraan siyang magwala dahil sa labis na kalasingan sa Brgy. Gabao, Santiago Ilocos Sur, kamakalawa.

Sa report na nakara­ting kay Sr. Insp. Aristeo Tajon, hepe ng PNP Santiago, hindi na maawat ng magkapatid na suspek na sina Francis Pascua, 37 at Jonathan Pascua, 32 ang pagwawala ng biktimang si Ernesto Sanong Jr. kasunod ng laklakan nila sa harapan ng bahay ng isa pang kaanak na isang barangay kagawad na si Mateo Pascua na humantong sa panggugulpi.? 

Isinugod din ng mga suspek si Sanong sa Candon City General Hospital at kalaunan sa Ilocos Training Regional and Medical Center (ITRMC) sa San Fernando, City, La Union kung saan siya nalagutan ng hininga matapos hindi na balikan ng ulirat.?

Inihahanda ng pulisya ang kasong kriminal laban sa mga suspek na mag-utol.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with