^

Probinsiya

Van salpok sa puno: 7 patay, 4 sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nauwi sa isang malagim na trahedya ang isa sanang masayang pamamasyal at bakasyon matapos masawi ang pitong katao habang apat pa ang sugatan makaraang aksidenteng sumalpok ang sinasakyan nilang van sa isang mala­king punong kahoy sa tabi ng highway sa Brgy. Legaspi, Alegria, Cebu nitong Sabado ng tanghali.

Sa inisyal na ulat ng Cebu Police, kasalukuyang bumabagtas sa lugar ang isang Toyota Grandia van (AED 1299) na may lulang 11 katao na karamihan ay mga balikbayan mula sa Estados Unidos nang mangyari ang malagim na trahedya bandang alas-12:00 ng tanghali sa nasabing lugar.

Ang nasabing behikulo ay galing sa Oslob, Cebu at patungong Kawasan Falls nang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver na kinilalang si Gilbert de la Cruz, 24-anyos dahilan upang gumiwang-giwang ang sasakyan hanggang sa tuluyan na itong sumalpok sa isang puno sa tabi ng highway na agad ikinasawi ng limang pasahero habang ang dalawa ay nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan.

Pansamantala namang hindi muna tinukoy ng pulisya ang pagkakakilanlan sa mga nasawing biktima dahilan iniimpormahan pa ang kanilang mga pamilya.

Apat katao naman ang nasugatan sa insidente kabilang ang driver ng behikulo na patuloy na ginagamot sa Chong Hua Hospital.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang insidente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with