6 arestado sa drug ops
BULACAN , Philippines — Anim-katao ang nasakote ng pulisya sa pakikipagkoordinasyon sa PDEA sa inilatag na drug operation sa mga Barangay Gaya-Gaya, Barangay Yakal at sa Barangay Minuyan Proper sa San Jose Del Monte City, Bulacan noong Miyerkules ng gabi.
Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Rey Pacon, 19; June Rod Timon, 26, mga nakatira sa Towerville, Brgy.Gaya-Gaya; Marvin Quejada, 37, ng Francisco Homes, Brgy. Yakal; Mylene Torres, 41; Myra Ibay, 46; at si Jerry Camposano, 45, ng Towerville Subd, Brgy.Minuyan Proper. Narekober sa tatlong operasyon ang 38 plastic sachet na shabu, mga drug paraphenalia at ang P2,000 marked money.
- Latest