^

Probinsiya

Dalaga ni-rape slay ng adik

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Brutal na kamatayan ang sinapit ng 21-anyos na dalaga matapos itong halayin ay pinagtataga pa ng hindi  kilalang lalaki na sinasabing bangag sa droga sa Escalante City, Negros Occidental, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ni P/Supt. Gilbert Gorero, police regional spokesman ang biktima na si Rena Pantallion ng nasabing lungsod.

Bandang alas- 11:55 ng umaga noong Huwebes nang madiskubre ang bangkay ng dalaga sa gitna ng tubuhan sa Sitio Liki, Barangay Balintawak sa nabanggit na lungsod.

Sa pahayag ng kapatid na lalaki ng biktima na si Jason Pantallion, nabigong makauwi kamakalawa ng gabi ang biktima kaya hinanap nila ito ng kaniyang pamilya, kamag-anak at mga kaibigan.

Gayunman, laking gulat nila nang mapagawi sa tubuhan ay makita ang duguang bangkay ng biktima na  may mga taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Samantala, nagkalat naman ang dugo sa lugar na iprinoseso ng mga tauhan ng  Scene of the Crime ­Operatives (SOCO) ng pulisya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with