^

Probinsiya

Fishing vessel lumubog: 12 mangingisda nawawala

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines — Patuloy na hinahanap ng mga awtoridad ang 12 mangingisda na sakay ng fishing vessel na nasi­raan sa karagatan ng Infanta, Quezon sa kasagsagan ng masamang panahon.

Sa ulat ng Infanta Emergency Response Team, nagmula sa Dinalahican Port noong Huwebes (Enero 11) ang F/B Marian na lulan ng 12 katao at naglayag patungo sa bahagi ng Pacific Ocean at nakasabay ang tatlong iba pang fishing vessel.

Dahil sa masama ang panahon at malalaki ang alon ay nagpasyang bumalik sa pantalan ang tatlong bangkang pangisda subalit dahil walang radyo ang F/B Marian ay hindi naabisuhan ang boat captain na si Jolito Garcia tungkol sa kondisyon ng panahon.

Ayon sa Infanta ERT ay namataan ang isang katawan na lumulutang na nakatali sa drum sa may bahagi ng Barangay Pambuhan, bayan ng Perez, Quezon subalit nang balikan ng search and rescue team ay hindi na ito natagpuan noong Linggo (Enero 14).

Gayunman, narekober ang fishing vessel na nawasak sa may baybayin ng Calauag, Quezon na pinaniniwalaang ito ang F/B Marian subalit nawawala ang mga sakay nitong mangingisda na sina Allan Castillano, Charlie Masdo, Gerry Rubi, Isagani Lapso, Ali Raya, Allan Raya, Harold Dane Brosas, Ronel Garnates, Jun Anthony Lustiva, alyas Jun at si alyas Magno.

Nagpalabas na ng alarma ang Infanta ERT sa mga Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng mga bayan ng Real, Mauban, Atimonan, Perez, Alabat at sa bayan ng Quezon, Quezon na posibleng mapadpadan ng mga mangi­ngisda.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with