^

Probinsiya

Trike vs jeepney: Misis utas, mag-ama grabe

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON , Philippines  —  Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang 26-anyos na misis habang malubha naman ang kanyang mag-ama matapos na bumangga ang kanilang traysikel sa pampasaherong jeepney sa kahabaaan ng kalsada na Barangay Ibabang Kinagunan, bayan ng Agdangan, Quezon kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa ulo si Jovie Bonjoc habang ginagamot sa Unisan Medicare Hospital ang mag-amang sina Zamora Luyas, 35; at Miguel Luyas, 6, mga residente ng Barangay Silangang Maligaya. Base sa ulat, patungo sa kabayanan ang mga biktima nang sumadsad ang traysikel sa tambak ng lupa sa gilid ng kalsada. Nagpagewang gewang ang trike saka tuluyang bumangga sa kasalubong na jeepney (DXA-634) ni Russel Garcia ng Barangay Poblacion. Bagama’t walang kinalaman sa aksidente ang driver ng jeepney ay nahaharap pa rin ito sa mga kasong  kriminal.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with