^

Probinsiya

2 gun-for-hire dedo sa encounter

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang sinasabing dalawang notoryus gun-for-hire makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa Barangay RG Macias, bayan ng Sindangan, Zamboanga del Norte kamakalawa ng gabi. Kinilala ang dalawa na sina Saidina “Tikboy” Ismael at Jeffrey “Pungkol” Rebollos na magkaangkas sa motorsiklo. Base sa police report na nakarating sa Camp Crame, nakatanggap ng impormasyon ang pulisya kaugnay sa motorcycle-riding gunmen. Kaagad namang naglatag ng checkpoint ang pinagsanib na puwersa ng military at pulisya kung saan dumaan ang tandern na sinasabing tumangging magpainspeksyon sa mga awtoridad. Tinangkang pababain sa motorsiklo ang dalawa subalit tinangkang magbunot ng baril kung saan mabilis na naagapan na nauwi sa encounter. Narekober ng pulisya sa U-box ng motorsiklo ang dalawang granada at dalawang baril.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with