^

Probinsiya

‘Manyakis’ arestado sa loob ng mall

Crisitna Timbang - Pilipino Star Ngayon

DASMARIÑAS CITY, Cavite, Philippines — Kalaboso ang 29-anyos na lalaki makaraang ireklamo ng 18-anyos na kolehiyala sa pangmomolestiya sa loob ng shopping mall sa Barangay Molino 3 sa Bacoor City, Cavite kamakalawa ng gabi.

Pormal na kinasuhan ang suspek na si Romnick “Nick” Panganiban, 29, binata, walang trabaho at residente ng Blk 1, Lot 5, Belmant St., Covina Village, Brgy. Buhay na Tubig, Imus City, Cavite.

Sa isinagawang im­bestigasyon ng pulisya, alas 8:00 ng gabi ng dalhin sa kanilang himpilan ang suspek ng pamunuan at security guard ng Puregold Supermarket, V- Central Mall matapos nila itong arestuhin hinggil sa rekla­mong pangmomolestiya ng suspek.

Base sa reklamo, namimili ang biktima sa V-Central Mall nang  lapitan ng suspek sa likuran saka ikiniskis nito ng ilang ulit.

Gayunman, biglang na­pabalikwas ang biktima kaya  nagtatakbo ang suspek papalabas ng mall.

Mabilis namang humi­ngi ng tulong sa security guard ang biktima kaya kaagad na nasakote ang suspek saka dinala sa himpilan ng pulis­ya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with