^

Probinsiya

6 nilamon ng landslides

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Anim-katao ang namatay sa naganap na magkakahiwalay na landslide dulot ng ulan sa Tacloban City, Leyte at sa bayan ng Pantar sa Lanao del Norte.

Sa ulat ng Tacloban City Disaster Risk Reduction and Management Office, pitong kabahayan sa Barangay 43-B sa kahabaan ng Rizal Avenue Extension ang nabagsakan ng pader dakong alas -9 ng gabi.

Nagresulta ito ng pagkamatay ng apat-katao kabilang si Barangay secretary Inday Hernandez at kanyang asawa  at isa sa kanyang anak.

Kinumpirma naman ni Sonny Carzon na pang apat na namatay ang kanyang asawa na si Delia Carzon, chief ng Barangay 43B Tanod.

Patuloy naman ang rescue operations ng mga awtoridad hanggang kahapon matapos na ilang bahay pa ang sinasabing natabunan ng putik dahil sa patuloy na pag-ulan.

Samantala, dalawang senior citizens ang namatay sa bayan ng Pantar, Barangay Balo-i sa Lanao del Norte dahil din sa landslide.

Patuloy namang ina­alam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga namatay. 

Ayon sa lokal na pamahalaan, nagkaroon ng flash floods sa mga karatig lugar ng Lanao del Norte.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with