^

Probinsiya

Misis inutas sa saksak; mister nag-suicide

Pilipino Star Ngayon
Misis inutas sa saksak; mister nag-suicide

Aileen at  Ariel
 

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines  —  Napatay ang 39-anyos na misis matapos itong saksakin ng kanyang mister na nagsaksak din sa sarili sa kanilang bahay sa Barangay Vinisitahan, bayan ng Donsol, Sorsogon noong Sabado ng umaga.

Tinangka pang isugod sa Donsol District Hospital subalit idineklarang patay ang misis na si Aileen Alim habang namatay din matapos magsaksak sa sarili ang asawang si Ariel Alim, 39, kapwa nakatira sa nasabing barangay.

Sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, dakong alas-5 ng umaga, sa hindi mabatid na dahilan ay bigla na lamang pinagsasaksak ni Ariel ang kanyang misis na natutulog sa kanilang kuwarto.

Gayunman, matapos na tarakan ang asawa, nagsaksak din sa sarili si Ariel na agad na namatay.

Sa pahayag ng mga kaanak, pinaniniwalaang naboryong si Ariel na dati na umanong nakararanas ng sakit sa pag-iisip sa loob ng tatlong taon.

Narekober ng mga pulis sa loob ng silid ng mag-asawa ang 32 pulgadang patalim na ginamit sa pa­nanaksak.

vuukle comment

INUTAS

NAGSAKSAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with