^

Probinsiya

P40-M smuggled imported na alak, nasabat

Pilipino Star Ngayon

SUBIC BAY FREEPORT ZONE  , Philippines  —  Umaabot sa P40 milyong halaga ng smuggler imported na alak ang nasabat ng mga awtoridad sa Subic Bay Freeport Zone noong bisperas ng Pasko (Dec 24).

Kasabay nito ay naka­tak­dang kasuhan ng economic sabotage ang tatlong customs broker na sinasabing sangkot sa tangkang pagpupuslit ng P40 milyon halaga ng mamahaling imported na  alak.

Isinailalim na sa total banned ng pamunuan ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) sa anumang transaksyon sa Freeport Zone ang mga suspek na sina Ellen Baylon, representative ng Alava Alliance; John Louie Pabico, processor ng Phil-Hohan International Corp.; at si Cherry Springael, freelance processor ng Alava Alliance, mga customs broker na nasa likod ng pagpuslit sa mga alak.

Ayon sa ulat, nasamsam ng mga awtoridad ang  1, 321 kahon ng mamahaling imported liquors na sakay sa closed van at sa isa pang 40-footer container van na nakaparada sa Subic Seaport Terminal.

Kabilang sa mga alak na nasabat ay ang 54 bote ng Remy Martin Lous XIII na nagkakahalaga ng P170, 000 kada isa, walong bote ng Remy Martin Centaure De Diamant sa may halagang P60,000 kada bote nito. 

Matatandaang unang nakatanggap ng impormasyon ang pamunuan ng SBMA police ilang araw bago ang operasyon sa umano’y may smuggling attempt na mga imported na alak.

Napigilan naman ang paglabas sa mga imported na alak lulan sa Fuso van sa bahagi ng Argonaut Highway kung saan ito dadaan sana sa 14th Street gate.

Agad isinailalim sa custody ng SBMA police  ang drayber na si Julio Flores, 41; at ang pahinante na si Marvin Arcega matapos na mabigong magprisinta ng anumang dokumento kaugnay sa kargamento.

 Sa follow-up operation, isang 40-footer container van naman ang hinarang ng mga awtoridad kung saan naglalaman ng 275 kahon ng Remy Martin Cognac Champagne, 448 kahon ng Martini, 66 kahon ng Remy Martin XO, 17 kahon ng Remy Martin Champagne, 7 kahon ng Remy Martin Club at 7 kahon ng Remy Martin.

vuukle comment

SBMA

SMUGGLER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with