^

Probinsiya

2 magsasaka patay sa aksidente sa motor

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang magsasaka ang nasawi matapos sumalpok ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa isang kotse sa Isabela nitong kamakalawa.

Nakilala ang mga biktima na sina Reynante Daño, 30, at Reymundo Damasco, 52, na kapwa residente ng Barangay Marasat Pequeño.

Naisugod pa sa ospital ang dalawa ngunit hindi na umabot pa nang buhay.

Ayon sa imbestigasyon, tinamaan ng kotseng minamaneho ni Mardie Cabotaje, 29, ang motorsiklo sa kahabaan ng national road sa Barangay Darumuangan Sur sa bayan ng San Mateo bandang alas-10 ng gabi.

Sumuko naman si Cabotaje sa mga awtoridad.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with