^

Probinsiya

Tserman, tanod tiklo sa mga bala

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

KIDAPAWAN CITY, North Cotabato, Philippines — Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o illegal possession of firearms ang 40-anyos na barangay chairman at ang kasamang tanod makaraang makumpiskahan ng mga bala ng baril sa inilatag na checkpoint ng pulisya sa panulukan ng Barangay Tuael at Barangay Binay sa bayan ng Magpet, North Cotabato kahapon ng umaga. Nakatakdang kasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Chairman Jorry Balbon Villa, may asawa, ng Barangay Badiangon sa bayan ng Arakan; at Jennefer Villeza Sanan, 30, ng Purok 2 sa nasabing lugar. Nasakote sa checkpoint ang mga suspek pasado alas-10 ng umaga kahapon habang sakay ng motorsiklo (3044KE). Nasamsam kay Chairman Villa ang steel magazine ng M16 Armalite rifle na may tatlong bala habang kay Sanan naman ay 200 bala ng cal. 5.56.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with